STA. CRUZ, LAGUNA – Kulungan ngayon ang bagsak ng dating third runner up finalist ng defunct program ng ABS-CBN Pilipinas Got Talent na si Mark Joven Olvido “The Vape Master” matapos na kumagat sa isang drug buy-bust ng operation ng mga awtoridad ng Drug Enforcement Unit/Provincial Intelligence Unit (DEU/PIU) ng 4th District, Sta. Cruz Municipal Police Station at ng PDEA 4A, laban sa suspek sa Brgy. Duhat ng nabanggit na bayan.
Ayon sa ipinadalang report ng Laguna Provincial Police Office sa opisina ni Calabarzon Regional Director PBGen. Eliseo Cruz, inaresto si Olvido ng magbenta ito ng droga sa isang pulis na nagpanggap na poseur buyer para bumili ng tatlong pakete ng small heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng mga pinaghihinalaang shabu na meron halagang P2,000. Nasamsam din sa posisyon ng suspek ang isang piraso ng kulay itim na coin purse; anim piraso ng P100 na pinagbentahan ng droga.
Nakakulong na ngayon ang suspek na tinaguriang “The Vape Master” sa Sta. Cruz Municipal facility and detention cell at nahaharap sa paglabag sa kasong violation of sec.5 and 11 ng RA 9165 o Dangerous Drugs Act. Law of 2002. (Koi Hipolito)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA