BINITAY na ang isa nating kababayang Pinoy na nasa death row sa Saudi Arabia.
“We regret to confirm the news that a Filipino has been executed in Saudi Arabia for murder,” malungkot na pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Ginawa ng lahat ng gobyerno ng Pilipinas para maisalba ang buhay ng Pinoy OFW na binitay sa Saudi Arabia dahil sa kasong murder.
“The Philippine government provided legal assistance and exhausted remedies to save the Filipino’s life, including sending a presidential letter of appeal to Saudi Arabia’s King Salman. But the victim’s family refused to accept blood money in return for forgiveness of the Filipino, and so the death penalty was meted,” pahayag ng DFA.
Ayon kay Foreign Undersecretary Eduardo de Vega, umamin ang OFW sa krimen. Ang biktima ay ang Saudi Arabian business partner ng OFW at nangyari ang krimen noong 2020.
“The victim was asking our kababayan (countryman) for his share in the profits or something, and they had a money dispute, and that led to the confrontation,” ani De Vega.
Hinatulan ng kamatayan ang Filipino noong 2022. Hindi nagkaroon ng pagkakataon na mag-alok ng blood money, dahil tumanggi ang biktima na makipagkita sa mga abogado ng Filipino.
Ayon kay De Vega, sumulat ang Pangulo para umapela kay Salman noong Agosto 2023. Nang mga sumunod na buwan, pumayag ang Saudi Arabia na ipagpaliban ang pagbitay. Pero hindi inimpormahan ng kingdom ang gobyerno ng Pilipinas
Ngunit hindi muna ipinaalam ng kaharian sa gobyerno ng Pilipinas na itutuloy ang pagbitay.
“They didn’t tell us, ‘Oh, we inform you that tomorrow we will execute….’ They never [did] that, sadly,” saad ni De Vega.
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI