Itinalaga si Marc Pingris bilang commissioner ng Pilipinas Super League (PSL). Target ng liga na ibuslo ang conference sa March.
Nagmarka ang binansagang ‘ Pinoy Sakuragi’ sa idinaos na jersey retirement noong December 25. Ito’y noong naglaro ang Magnolia at Ginebra sa infamous ‘Manila Clasico’.
Ini-retired ang jersey no.15 ni Pingris, pati na rin ang kay Peter Jun Simon.Kahit retirado na sa pro-basketball o sa PBA, may bago siyang tungkulin.
Naglaro siya sa PBA sa loob ng 16 seasons at nagwagi ng 9 titles. kabilang na ang Grand Slam. Nagalak naman ang 6’4 ex-cager sa ibinigay sa kanyang misyon ng liga.
“I’m very thankful for this opportunity at sa tiwalang binigay sa kin ng PSL. Asahan nila na gagawin namin ang lahat para sa liga na ‘to at para mapasaya ang mga fans at mga players,” aniya.
More Stories
BACK -TO-BACĶ ÙAAP MEN’S BASEBALL TITLE PUNTIRYA NG NU BULLDOGS
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na