Opisyal na nakapasok sa Paris Olympics ang weghtlifter na si Rosegie Ramos.
yon sa Philippine Olympic Committee (POC) na siya ang kauna-unahang weightlifter ng bansa na nakapasok sa Paris Olympics.
Naisagawa nito matapos na makuha niya ang first place sa women’s 49-kilogram Group B division na ginanap sa IWF World Cup sa Phuket, Thailand.
Naabot kasi ni Ramos ang qualifying standards para maging Top 10 sa buong mundo sa kaniyang category.
Sasabak naman si Tokyo Olympics gold medalist weightlifter Hidilyn Diaza sa women’s 58 kgs. class sa Miyerkules.
Nasa pang 8 kasi ito sa Olympic Qualification Ranking at pasok sa Top 10 na kailangan para sa Paris habang si John Ceniza ay nakatakdang selyuhan na nito ang puwesto sa Paris kapag makumpleto na niya ang men’s 61 kgs. category kung saan siya ay pang-6.
Dahil sa panalo ay makakasama na si Ramos sa ilang mga atletang Pinoy na pasok sa Paris Olympics na sina Carlos Yulo ng gymnastics, mga boxers na sina Eumir Marcial, Nesthy Petecio, Ira Villegas at Aleah Finegan ng gymnastics. RON TOLENTINO
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY