May 17, 2024

Dasuri tabi muna… NANCY MCDONNIE, KAPUSONG TOTOO NA

KAPUSO na ngang totoo itong si Nancy Mcdonnie ng Korean Girl Group ng Momoland, at under pala siya ng Sparkle GMA Artist Center.

“Masaya ang mga taga-GMA Artist Center, dahil nakuha nila ang serbisyo ni Nancy Mcdonnie. Good sign na ito na pwede nang pasukin ng GMA ang mundo ng showbiz sa Korea.

“Ang tanong ng marami, sino kaya sa mga actor ng GMA-7 ang puwede makasama ni Nancy na babagay sa kanya?

 “Sino kaya ang papalaring actor ng GMA-7 ang makakapareha niya? Sino kaya kina Miguel Tanfelix, David Licauco at Alden Richards ang mapalad na actor ang kangyang makakapareha?” salaysay pa ni Miss. Bubuwit na aking source.