Nakauwi na sa bansa ang 20-anyos na Filipina na naging biktima ng sex trafficking ( sex slave ) sa Malaysia.
Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, kahapon umuwi ng Pilipinas ang hindi pinangalanang biktima.
Nabatid na ang biktima ay na-recruit ng isang kaibigan na nakilala lamang sa social media, na magtrabaho bilang housekeeper sa Malaysia
Sa salaysay aniya ng biktima sinamahan aniya siyang bumiyahe sa Palawan kung saan sumakay sila ng bangka patungong
Kota Kinabalu, nag-stopover sa isang hindi alam na lugar sa bansa, kung saan isang babae rin ang sinundo na nag-recruit ng sindikato.
Pagdating sa Kota Kinabalu, nagbiyahe pa aniya ang mga biktima sa bulubunduking lugar hanggang sa marating ang isang hotel sa Sibu, Malaysia kung saan sila ikinulong bilang sex workers.
“She was held captive. Disturbingly, she was subjected to appalling conditions, including being denied food if she failed to satisfy the demands of her captors. She was even forced to undergo abortion when they discovered she was with child,” ayon kay Tansingco.
Paalala ni Tansingco sa publiko na huwag maniniwala sa mga inaalok na trabaho ng mga nakikilala lamang sa social media upang hindi maging biktima ng human trafficking
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI