November 24, 2024

PINAY GOLFER YUKA SASO, UMAKYAT SA NO.9 SA ROLEX RANKINGS

Umakyat sa No.9 mula sa 31 spot si Pinay golfer Yuka Saso sa Rolex rankings. Ito’y matapos magreyna sa women’s golf tournament na 76th U.S. Women’s Open Championship.

Dahil dito, halos otomatikong qualified na si Saso sa Tokyo Olympics. Makakasama siya sa delegates ng bansa na kinabibilangan ina weigthlifter Hidilyn Diaz.

Isama pa sina boxing flyweight Carlo Paalam, middleweight Eumir Marcial, flyweight Irish Magno. Featherweight Nesthy Petecio, gymnast Caloy Yulo, pole vaulter EJ Obiena, jin Karl Barbosa.

Gayundin sina rowers Cris Nievarez at skateboarder Margie Didal. Sa olympic golf, magiging qualiied ang players batay sa rankings as of June 28. Kung saan, nasa 60 golfers ang lalarga sa olympics.

Plano ni Saso na manatiling active sa susunod pang mga linggo. Sa gayun ay ma-maintain ang kanyang ranking. Kailangan niyang sumali sa competition hanggang August 4.

Ang 19-anyos na si Saso ay double gold winner sa 2018 Asian Games.

The Olympics is in August but there are still many tournaments before it. When it’s the Olympics, it’s game time but it’s game time every week but I don’t want to rush,” aniya.

I just want to take it week by week, play golf, and enjoy all the tournaments I can join,” dagdag ni Saso.