Minaliit ni Floyd Mayweather Jr ang pinaplantsang laban nina Manny Pacquiao at Connor McGregor.Banat nito, malabong lagpasan nito ang kinita ng upakan nila ng Irish fighter noong 2017.
“I been walked. I’ve been walked away. I just came back for a quick bank robbery, a quick heist,” ani Mayweather.
“He’s not going to get the money he got with me if he go with Pacquiao, it’s not going to be as big. You know, it gets no bigger than Floyd Mayweather.”
Kung magbabalik-tanaw, tinalo ni Mayweather si McGregor sa boxing match via 10th round TKO.
Pagmamalaki ni Mayweather. Kumita ang laban sa pay-per-view. Naitala rin ito bilang second-highest selling PPV of all- time kasunod ng Mayweather vs Pacquiao.
Kaugnay nito, inilahad ni Floyd na kinakausap niya si UFC President Dana White. Sa gayun ay maikasa ang rematch nila ni McGregor.
“Me and Dana talk. I wouldn’t say always, but we’ll text and talk on the phone every once in a while,” aniya.
More Stories
BACK -TO-BACĶ ÙAAP MEN’S BASEBALL TITLE PUNTIRYA NG NU BULLDOGS
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na