November 23, 2024

PINAKAMAHIHIRAP AT MIDDLE CLASS, SAPUL SA INFLATION

Hindi lamang ang pinakamahihirap na pamilya sa bansa, kundi, pati na din ang mga middle class  ang sapul sa patuloy na pagsirit sa presyo ng krudo, kasabay ng sobrang taas sa presyo ng pangunahing bilihin.

Maliban sa mga pinakamayayayaman, ang mga empleyado at sahuran, maliban sa mga  pinakamahihirap na pamilya sa bansa ang lalo pang maghihirap dahil sa pasakit na dulot ng inplasyon.

Ang mga middle class na umaasa lamang sa sahod kada buwan ang lalong masasadlak sa kahirapan. Mga minimum wage earners na halos hindi na sumapat ang kinikita buwan-buwan dahil sa napakamahal na bilihin. Ang mga pinakamahihirap na pamilya na halos hindi na kumain ng tatlong beses isang araw, saan na sila pupulutin?

Ang patuloy na pagtaas ng mga pangunahing bilihin na hindi sinasabayan ng pagtaas ng kita o sahod ng isang konsumer ang nagapapahirap sa bawat pamilyang Filipino. Ibig sabihin kung dati nakakabili ng bigas na kilo ay walong kilo na lamang dahil sa taas ng halaga nito sa merkado.

Ang masaklap dahil sa pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin at kakulangan sa pambili kulang na din angn nutrisyong matatanggap ng bawat miyembro ng pamilya. Resulta ng kawalan ng nutrisyon. Lalo na ngayong itinakda na muli ang face to face class ng mga bata.

Ano nga ba ang ginagawa ng gobyerno ukol dito? Hindi kaya nakikipag kuntyabahan ang Department of Energy sa mga higanteng supplier ng langis? Kung kaya nagiging malagim ang mga kinasasapitan nating mga ordinaryong pinoy?

Totoong ang mga mahihirap at middle class ang tinatamaan ng inplasyong ito. Hindi na tayo makahinga sa sobrang hirap ng buhay. Ang pagtaas sa presyo ng krudo paano ka pa makakalayo. Paano ang mga jeepney drivers na dati’y nakakapag-uwi ng 300 piso para sa pang gastos ng pamilya maghapon. Pero sa kasalukuyang sitwasyon baka 200 na lamang ang maiuwi.

Ang tanong, may gagawin ba ang gobyerno para mabigyan ng sapat na ayuda ang mga mahihirap? Hanggang kailan po kaya tayo gagapang sa hirap? Umaasa na lamang tayo sa Unity Team nina President-elect BBM at VP-elect Sara Duterte na kahit paano ay maiahon nila mula sa pagkakasadlak sa kahirapan ang bansang ito.  Siyempre kung ang pagbabasihan ay ang kanilang pangako sa panahon ng kanilang pangangampanya.