November 6, 2024

PINAKAMAHAL NA KUWADERNONG MANUSKRITO

Ang Codex Hammer (dating Codex Leicester) ay isa sa mga notebooks ng tanyag na artist na si Leonardo da Vinci. Sa kuwadernong ito nakapaloob ang kanyang mga scientific drawings at diagrams na binili ni Microsoft founder Bill Gates. Ang pambihirang notebook ay nagkakahalaga ng $28,800,000 milyong dolyar.

oOo

KABAYO GINAWANG SENADOR

Noong naging emperador ng Roma si Gaius, o kilala bilang si Caligula, ginawa niyang senator ang kanyang pinakamamahal na kabayo.

                                                                    oOo

Pinagpapatay ang mga pusa sa buong Europa noong panahon ni Pope Gregory IX— sa paniniwalang may koneksyon ang mga pusa sa pagsamba sa demonyo. Kung kaya, umunti ang populasyon ng mga pusa. Dahil dito, kumalat ang sakit na dala ng mga daga. Isa na rito ay ang bantog na Bubonic Plague na kumitil ng 100 milyong katao.