December 25, 2024

PILIPINAS UMANGAT SA IKA-17 PUWESTO SA PAGTATAPOS NG 19TH ASEAN GAMES

MAGANDA na rin ang naging ranking ng Pilipinas sa 19th Asian Games makalipas ang halos tatlong dekada nang pumuwesto ito sa 17th spot  sa pagtatapos ng nasabing palaro sa Hangzou, China ngayong araw.

May 481 event ang pinaglabanan sa palaro, kung saan kabuuang 18 medalya ang naiuwi ng Pilipinas — apat na ginto, dalawang pilak at 12 tanso.

Sinungkit nina EJ Obiena sa pole vault, Meggie Ochoa at Annie Ramirez sa jiu-jitsu at ng Gilas Pilipinas sa basketball ang mga gintong medalya.

Nasa top spot ang host China, na nakasungkit ng 201 gintong medalya, 111 pilak at 71 tanso o total na 383 medal.

Sumunod ang Japan sa nakolektang 188 medalya – 52 gold, 67 silver at 69 bronze.

Pangatlo ang Republic of Korea sa nahablot na 190 medalya – 42 gold, 59 silver at 89 bronze.

Asian Games ang pinakamalaking sports competition sa Asya, na ginaganap kada apat na taon. Inoorganisa ito ng Olympic Council of Asia at may 45 participating countries o regions.

Noong 1994, nagtapos ang Pilipinas sa ika-14 puwesto sa Asean Games na ginanap sa Hiroshima, Japan. RON TOLENTINO