November 24, 2024

PILIPINAS PANGHULI SA MGA PINAKALIGTAS NA BANSA

Sa 134 bansa, pang huli ang Pilipinas sa listahan ng Global Finance sa World Safest Countries ngayong 2021.

Binigyan ng iskor na 14.8899 ang Pilipinas, kung saan pinagbatayan ang mga banta sa kaligtasan gaya ng giyera, seguridad, kalamidad at mga problema dulot ng COVID-19.

“Countries with serious civil conflict that have high risks from a natural disaster such as the Philippines, Nigeria, Yemen, and El Salvador all reported relatively low death tolls from Covid-19, yet performed poorly in terms of safety overall,” ayon sa publikasyon.

Kasama ng Pilipinas sa mga kulelat na bansa ay ang Columbua (133st), Nigeria (131st), Yemen (126th), at El Salvador (124th).

Samantala, Iceland ang nangunguna sa listahan ng pinakaligtas na bansa na may index score na 3.9724.

Sinundan naman ito ng United Arab Emirates, Qatar, Singapore, Finland, Mongolia, Norway, Denmark, Canada, at New Zealand.