Napabilang ang Pilipinas sa ‘Group of Death’ bracket ng Asian Volleyball Confederation (AVC) Cup. Kasama kasi ng Pinas ang China sa Pool A sa torneo na idaraos sa Aug. 21-29 sa PhilSports Arena. Nasa Pool A din ang Vietnam, Iran at South Korea.
Kabilang naman sa Pool B ang Thailand, Kazakhstan, Australia at Taiwan.
Binubuo ang national women’s volleyball team ng mga players mula sa NU Lady Bulldogs ng UAAP. Ang Lady Bulldogs ang champion sa UAAP Season 84. Kabilang na rito sina Rookie MVP Michaela Belen at Jen Nierva. Gayundin sina Alyssa Solomon at Ivy Lacsina.
May ilang UAAP players din ang ikamadama sa line-up. Kasama na rito si Eya Laure ng UST at Faith Nisperos ng Ateneo Lady Eagles. Ayon kay PNVF member Ricky Palou, may isasama din mula sa Adamson at Ateneo. Kaya, labis ang pasasalamat niya sa mga iskul sa pagpapahiram ng players.
Kinumpirma rin nito na nakikipag-ugnayan din sila sa ibang schools. Gaya ng La Salle at UST upang magpahiram ng players.
“This is a strong tournament and our young players, who we vision as the future of Philippine volleyball, will get the needed exposure against the continent’s best teams,” ani PNVF president Tats Suzara.
Kinumpirma rin nito na nakikipag-ugnayan din sila sa ibang schools. Gaya ng La Salle at UST upang magpahiram ng players.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2