LUBOG sa plastic sachets ang Pilipinas, ayon sa plastic brand audit na saklaw ang apat na bansa sa Asya.
Base sa 2023 Global Break Free From Plastic Brand Audit na isinagawa ng Break Free From Plastics (BFFP), nakapag-contribute ang Pilipinas ng third sa total sachet plastic waste na nakolekta sa apat na Asian countries noong 2023.
“The Philippines is inundated with plastic pollution in part due to the prevailing sachet economy driven primarily by corporations,” ayon sa audit na inilabas ngayong araw.
Mula Oktubre 2023 hanggang Pebrero 2024, nakolekta ng 10,801 piraso ng sachets mula sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas: Metro Manila, Dasmariñas City in Cavite, Davao City, Iloilo City, at E.B. Magalona sa Negros Occidental.
Ang tanging lugar sa Metro Manila na nabanggit sa report ay ang Malabon City.
Umabot sa 33,647 sachets ang sama-samang nakolekta mula sa apat na bansa kung saan isinagawa ang Asia-Pacific audit. Ang iba pang banasa ay ang India, Vietnam at Indonesia.
More Stories
MGA MAYOR SA RIZAL SUPORTADO SI CHAVIT SINGSON
6 tulak, nadakma sa higit P.2M shabu sa Navotas
Higanteng Christmas tree sa Araneta City pinailawan