April 30, 2024

HONTIVEROS SASAGUTIN UTOS NG SC SA KASO NI QUIBOLOY

Handa si Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality Chairman Senadora Risa Hontiveros na sagutin ang anumang utos ng Supreme Court (SC).

Ang pahayag ni Hontiveros ay matapos na hingin ng korte suprema ang komento ng Senado sa petisyon ni Quiboloy na mapawalang-bisa ang arrest order laban sa kanya.

Ayon kay Hontiveros, pag-aaralan nila ito ng kanyang abogado na si Senior Associate Justice Antonio Carpio.

Bagamat hindi pa nila aniya natatangap ang order susunod sila sa SC bilang pagrespeto at pagkilala sa separation of powers ng mga institusyon ng gobyerno. Umaasa naman ang senadora na ito ang prinsipyong gagabay sa lahat kasama na aniya ang puganteng si Pastor Apollo Quiboloy.