December 24, 2024

PILIPINAS, KOICA AT UN AGENCIES NAGLUNSAD NG JOINT PROGRAM PARA TUGUNAN ANG PROBLEMA SA ADOLESCENT PREGNANCIES

TACLOBAN CITY—Magkatuwang na naglunsad noong Pebrero 20, 2023 ang mga opisyal ng gobyerno ng Pilipinas, Korea International Cooperation Agency (KOICA), at United Nations (UN) ng isang programa na naglalayong tugunan ang mataas na bilang ng pagbubuntis ng mga kabataan sa bansa.

Pinondonhan Republic of Korea, sa pamamagitan ng Korea International Cooperation Agency (KOICA), ang programang “Accelerating the Reduction of Adolescent Pregnancy in Southern Leyte and Samar in the Philippines” ay naglalayong mapabuti ang access ng mga kabataan sa sexual and reproductive health (SRH) services, maitaas ang kanilang kamalayan sa sexual at reproductive health and rights, at mapahusay ang ASRH.

Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa sa pinakamataas na adolescent birth rates sa mga pangunahing ekonomiya sa ASEAN.

Noong Nobyembre 2022, nilagdaan ng KOICA, United Nations Population Fund (UNFPA), United Nations Children’s Funds (UNICEF), at World Health Organization (WHO) ang kasunduan sa joint program, na tatagal hanggang 2026. Nangunguna sa Joint Program steering committee ang Department of Health (DOH) kasama si UN Resident Coordinator, Gustavo Gonzalez, bilang co-chair nito. Kasama bilang miyembro ang nasabing mga ahensya ng UN, KOICA, Department of Education (DepEd), at ang mga gobernador ng Samar at Southern Leyte.

“Korea is committed to support the Philippines in its goals to achieve universal health for all. This is the first time that KOICA is working on a joint project on adolescent health in partnership with the three UN agencies in the Philippines. Hence, we look forward to working towards improving the comprehensive sexual and reproductive health and rights of Filipino adolescents in the Philippines [Nakatuon ang Korea na suportahan ang Pilipinas sa mga layunin nitong makamit ang pangkalahatang kalusugan para sa lahat. Ito ang unang pagkakataon na ang KOICA ay gumagawa ng magkasanib na proyekto sa kalusugan ng kabataan sa pakikipagtulungan sa tatlong ahensya ng UN sa Pilipinas. Kaya naman, umaasa kaming magtrabaho tungo sa pagpapabuti ng comprehensive sexual at reproductive health and rights ng mga kabataang Pilipino sa Pilipinas],” sabi ni KOICA Country Director Kim Eunsub.

Sinabi ni DOH Officer-In-Charge Dr. Maria Rosario Singh-Vergeire na ang teenage pregnancy, na idineklara ng gobyerno bilang isang national social emergency, ay nag-aalis sa maraming kabataang Pilipino ng kanilang kinabukasan. Binigyang-diin din niya ang pagtugon sa mga alalahaning ito sa pamamagitan ng pagkakaisa sa pakikipagtulungan.

“Together, we, along with our partner agencies and stakeholders — must work in weaving our strategies to contribute to positive and long-lasting impacts for adolescents. As a key objective of the Universal Health Care Act, equitable access to health services for the youth, especially those in the vulnerable and marginalized sector, is central to the DOH’s priorities. To address these gaps, we will continue to seek the support of our partners, as we can only truly achieve the universality of health through a whole-of-government and whole-of-society approach [Sama-sama, tayo, kasama ang ating mga katuwang na ahensya at stakeholder — ay dapat magtrabaho sa paghabi ng ating mga estratehiya upang makapag-ambag sa positibo at pangmatagalang epekto para sa mga kabataan. Bilang pangunahing layunin ng Universal Health Care Act, ang pantay na pag-access sa mga serbisyong pangkalusugan para sa mga kabataan, lalo na ang mga nasa mahina at marginalized na sektor, ay sentro sa mga prayoridad ng DOH. Upang matugunan ang mga puwang na ito, patuloy tayong hihingi ng suporta ng ating mga katuwang, dahil maaari lamang nating tunay na makamit ang universality of health sa pamamagitan ng isang whole-of-government at whole-of-society approach],” ani DOH OIC Singh-Vergeire.

“Adolescent pregnancy is not only a health and education problem but also an economic development issue [Ang pagbubuntis ng kabataan ay hindi lamang isang problema sa kalusugan at edukasyon kundi isang isyu sa pag-unlad ng ekonomiya],” sabi ni Gustavo Gonzalez, United Nations (UN) Philippines Resident Coordinator. “We are hoping that with this program with KOICA, we will be able to reduce adolescent pregnancy and support the Philippines in maximizing the ‘demographic dividend [Umaasa kami na sa programang ito kasama ang KOICA, mababawasan natin ang pagbubuntis ng kabataan at suportahan ang Pilipinas sa pag-maximize ng ‘demographic dividend’].”

Sa pagkakaroon ng Pilipinas ng isa (1) sa tatlong (3) tao na wala pang 18 taong gulang, inaasahang makikinabang ito sa pagbabago ng istruktura ng populasyon nito tungo sa mas batang demographic structure. Gayunpaman, ang window opportunity na dulot ng demographic dividend ay maaaring mawala kung ang mga Pilipino ay hindi kayang pangalagaan ang kanilang sekswal at reproductive health at ang kanilang mga pamilya.

Bukod sa pagiging isa sa pinakamahirap at pinaka-binabagyo na rehiyon sa Pilipinas, ipinakita rin ng 2021 Young Adult Fertility and Sexuality (YAFS5) Study na ang Eastern Visayas ang may pinakamataas na rate ng 15 hanggang 19 na taong gulang na babaeng kabataan na nagsimula nang manganak.

Ang mga pagsisikap ng programa ay inaasahang magbibigay ng karagdagang pagsasanay para sa mga manggagawang pangkalusugan at mga tagapagbigay ng serbisyong hindi pangkalusugan tulad ng mga social worker, guro at peer educator; pagpapalawak ng PhilHealth package para sa teenage pregnancy; magbigay ng mga mobile medical facility upang mapakinabangan ng mga kabataan; at suportahan ang pagpapatupad ng Performance Accountability System para local health and mga local na pamahalaan, gayundin ang isang Youth Leadership and Governance initiative.

Ang steering committee ng joint program na ito ay makikipagtulungan sa iba pang strategic government partners na magsisilbing advisory members: ang Department of the Interior and Local Government (DILG), ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), at ang National Youth Commission (NYC). Ang ibang mga lokal na pamahalaan ay magiging bahagi rin ng mga komiteng panrehiyon at panlalawigan ng programa.

Kasabay ng paglulunsad ng programa ay ang patuloy na pagtalakay sa Kongreso sa mga iminungkahing batas upang matugunan ang pagbubuntis ng kabataan.