Tampok na bahagi ng makulay na pambungad seremonya ng bagong bida sa bayang basketbolista ang pagpapakitang -gilas ng Pilipinas Dream Team at ng Peek Up All Star Legends na binubuo ng mga dating PBA stars sa pagsambulat ng Perlas ng Silangan Basketball League sa Hulyo 28 sa Araneta Coliseum.
Ayon kay league top brass Christian Ensomo, ang naturang exhibition game ay matapos ang PSBL qualifying games dakong alas dos ng hapon.
Mauna dito ang presentasyon ng Noble Life bago ang parada ng mga koponan, colors at bituin sa magarbong PSBL Opening Ceremonies na tiyak na dadagsain ng basketball enthusiasts sa Kamaynilaan at karatig.
” It’s a one of a kind basketball event para sa mga kabataang manlalaro, team members, stakeholders, kibitzers, fans at lahat ng konsernado sa ating bayang basketbolista partiular sa ating bagong PSBL. Tena po sa Aranete sa Linggo!” , wika ni Ensomo , may -ari ng Golds Gym sa bansa at main man ng PSBL
#IsangLahiIsangLabanIsangBansa, sasambulat sa Hulyo 28 sa Big Dome na may temang “Araw Ng Bagong Kabataang Pilipino”
The PSBL Grand Opening ay ipi- feature din ang ABS-CBN Talents na sina Fana, Bailey May, Fabio Santos together with viral influencer Jijiplays, dance sensation Cool Kidz Crew together with Ji Ar to render the PSBL theme song at featured artists Lockdown band at NOCSU Dance Family.
Ang naturang advocacy event ay co-presented ng Noble Life Philippines, Peek Up, WPS, IBP-Bagong Pilipinas with Media partners PTV 4, Zoe Broadcasting Corporation, The New Channel, Blast TV, TAP Sports and Partners Globaltronics and DOOH gayundin ang Gold’s Gym, Katinko, Bridge, VoiceBox Training University at Lorae Institute.
Para sa dagdag detalye kumontak kay Nato Agbayani COO/Media Affairs sa numerong 0991 296 3121/0945 765 1177
More Stories
NAVOTAS NANALO NG MARAMING AWARDS SA EXEMPLARY GOVERNANCE
MAYROON AKONG DEATH SQUAD – DIGONG
RESPONSIBILIDAD SA MADUGONG DRUG WAR, INAKO NI DUTERTE