INIHAYAG ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi papayagan ng Pilipinas na arestuhin ng International Criminal Court (ICC) na arestuhin ang kanyang predecessor na si Rodrigo Duterte.
“We won’t recognize the warrant that they will send to us,” ani Marcos sa presidential forum na inorganiza ng Foreign Correspondents Association of the Philippines.
Iginiit ni Marcos hindi kinikilala ng Pilipinas ang hurisdiksyon ng ICC.
Kumalas ang bansa mula sa ICC noong 2019, panahon ni Duterte bilang pangulo.
Iniimbestigihan si Duterte ng ICC kaugnay sa kanyang madugong giyera kontra droga, na ayon sa datos ng pulisya ay umabot sa 6,000 katao ang napatay, taliwas sa paniniwala ng human rights groups na mas marami pa ang bilang ng death toll.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA