
Ginulat ng Phoenix Suns ang Denver Nuggets sa Game 1 sa Western Conference semifinals. Pinapak ng Suns ang Nuggets sa iskor na 122-105.
Kapwa nagtala ng tig-21 points si Chris Paul at Devin Booker upang pangunahan ang Suns. GUmawa rin si Paul ng 11 assists at 6 boards. Habang si Booker ay nagtala pa ng 4 boards at 8 assists.
Nag-ambag naman si Deandre Ayton ng 20 points at 10 rebounds.
Sa panig naman ng Nuggets, gumawa si Nikola Jokic ng 22 points, 9 boards at 3 assists.
Dahil sa panalo, abanse na ang Phoenix ng 1-0 sa series. Idaraos naman ang Game 2 sa Huwebes (Manila time).
More Stories
MPBL 2025 Season… BAGITO PERO MABALASIK NA DAVAO OCC. TIGERS COCOLIFE KILALANIN!
BOXING LEGEND GEORGE FOREMAN PUMANAW NA, 76
D’Engineers chess championship… GM JÒEY ANTONIO, HARI NG RAPIDO!