Nagdiwang ang Phoenix Suns matapos pumalaot sa NBA finals matapos ang 28 tasong paghihintay. Katunayan, nagdaos ng victory motorcade parade ang Suns sa harap ng 20,000 spectators.
Ganito rin ang ginawa ng Phoenix noong 1993 matapos makapasok sa NBA Finals. Tinalo nila sa kontensyon ang Seattle Supersonics sa Game 7 noong June 5, 1993, 123-110.
Tangan nila sa parada ang Western Conference Finals trophy habang sakay sa kotse. Masaya ang tao at mga players sa okasyon.
Una rito, naging emosyunal ang players at staff sa pagkapanalo ng Phoenix sa Game 6. Napaiyak na niyakap ni Chris Paul ang coach na si Monty Williams.
Si Williams ay nagong coach din ni Paul noong rookie years niya sa Charlotte Hornets. Pagdating sa locker room, nagdiwang dila.
Katunayan, gugulong-gulong pa si Denadre Ayton sa floor. Habang hawak nito ang Western Conference Finals champion trophy.
More Stories
All-time best ng PH bets naitala sa day 3 ng ICF World Dragon Boat C’ship… GOLD RUSH NG TEAM PILIPINAS!
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Angas ng Pinas sa Asian Kickboxing… ATLETA NI SEN. ‘TOL’ TOLENTINO HUMAKOT NG GINTO!