
Kinula ng Phoenix Suns ang Dallas Mavericks sa Game 2 ng West semifinals, 129-109. Nagtuwang sina Chris Paul at Devin Booker sa 4th quarter upang itala ang blowout win. Bumira si Booker ng 30 points, 4 boards at 3 assists.
Nag-ambag naman si Chris Paul ng 28 points, 8 assists at 6 boards. Sa panig naman ng Dallas, lumagare si Luka Doncic ng 35 points. Kasama na rito ang 7 assists at 5 boards. Bumanat naman si Reggie Bullock ng 16 points at 4 boards.
Maganda ang diskarte ng Mavs sa first half. Ngunit, umarangkada ang Suns sa 4th period. Hanggang sa nalamangan ang visiting team ng 20 points. Lamang na ang Suns sa series sa kartadang 2-0.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT