Inihaw ng Phoenix Suns ang Milwaukee Bucks sa Game 1 ng NBA Finals, 118-105. Hindi umubra ang Bucks sa init ng Suns kahit na naglaro pa si Giannis Antetokounmpo.
Kumana para sa Suns si Chris Paul ng 32 points, 9 assists at 4 boards. Nag-ambag naman si Devin Booker ng 27 points, 6 assists at 3 steals.
Bumira naman si Deandre Ayton ng 22 points at 19 boards. Sa panig naman ng Bucks, bumuslo si Khris Middleton ng 29 points at 7 boards. Habang si Giannis naman ay bumanat ng 20 points, 17 boards at 4 assists. Makabuluhan naman kay Paul ang panalo ng Phoenix sa Game 1.
Sa loob ng kanyang 16th season sa NBA, ngayon lamang siya nakatuntong sa Finals. Sa kabuuan, 3 times nang nakapasok sa Finals ang Phoenix. Ito ay noong taong 1976, 1993 at 2021. Subalit, ang dalawang pagpalaot ay nabigo. Natalo ang Suns noong 1976 sa Houston Rockets.
Noong 1993 NBA Finals naman, natalo ang Phoenix sa Chigaco Bulls. Pero sa pagkakataong ito, sisikapin nina Paul na masungkit ang titulo.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA