May 17, 2024

MIGUEL COTTO AT JUAN MANUEL MARQUEZ, MAGSUSUNTUKAN SA OCTOBER

Muling susuntok sa lona si Miguel Cotto (41-6,33 KO’s) mula sa retirement. Haharapin ng boxing hero ng Puerto Rico si Mexican Juan Manuel Marquez (57-7-1, 40KO’s). Magsasagupa sana ang dalawa sa June 12 ayon sa ulat ng El Nuevo Dia. Pero di natuloy at isi-set ang laban sa October.

Pero, sa isang exhibition bout lang. Hindi na nakaupak si Marquez, 47, sapol noong 2014. Ang 40-anyos naman na si Cotto ay huminto sa boxing noong 2017.

Huli nitong nakalaban si Sadam Ali noong December 2017 at nagkaroon ng arm injury.Kinakailangan nitong umakyat sa 154 hanggang 160 para makaharap ang former 4-division world champion.

Hinuha ng boxing enthusiast, ikinasa ang exhibition bout upang makapanood ng exciting match ang mga fans. Bukod dito, money generated purpose ang layun nito. At alam ng promoter na may asim pa ang dalawa at tiyak na kakagatin ng madla.