
Sinilat ng Phoenix Suns ang Dallas Mavericks sa iskor na 109-101. Ito na ang 9th straight wins ng Suns sa kanilang head-to-head match up. Nanguna si Devin Booker sa panalo na nagtala ng 28 points, 5 boards at 6 assists.
Nag-ambag naman si Chris Paul ng 20 points at 11 assists.
Samantala, bumira naman sa Dallas si Luka Doncic ng 28 points, 8 boards at 8 assists. Habang si Kristaps Porzingis naman ay lumagare ng 18 points, 11 boards at 2 blocks.
Mainit ang shooting ng Dallas sa tatlong quarter. Subalit, naapula ito ng Phoenix sa 4rth. Lumamang ang Suns sa 5-minute mark sa pagtala ng 9-0 run, 96-95.Lalong nalubog ang Mavs sa 17-4 run kaya nabaon sila ng Suns.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT