Ilalatag ng Phoenix Fuel Masters ang isang trade upang makuha si Javee Mocon ng Rain or Shine. Ayon sa source, nagkakasa ng trade ang dalawang team. Kung saan, malalambat ng Phoenix si Mocon kapalit ni Nick Demusis.
Kasama rin sa trade ang first-round pick ng Phoenix sa 2022 at 2023 second-round pick. Inaasahang aabot ang deal na ito sa PBA Commissioners’ Office bukas. Maaaring ang hakbang na ito ng Fuel Masters ay contingency plan sa pag-alis ni Wright sa team.
Isasalang si Mocon upang punan ang maiiwang puwesto ni Wright sa team.
Nagtungo raw kasi sa Japan ang player at nakikipag-negotiate sa tatlong teams. Na ang mga ito ay nagpahayag ng interes sa Fil-Canadian shooting guard. Ito aniya ang ginawa ng cager matapos ang stint nito sa Gilas Pilipinas sa SEA Games.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo