
Nakakolekta ang Philippine wrestling team ng silver at 3 bronze medals sa Vietnam SEA Games. Nakuha nila ito sa men’s Greco roman competition. Kinamig ni Jefferson Manatad ang silver sa 87-kilogram class. Dinispatsa ng Pinoy si Sophak Keo ng Cambodia via 8-2 win sa finals round 3.
Nakabangon si Manatad mula sa malamyang umpisa. Katunayan, natalo siya kay Din Hieu Ngihiem ng Vietnam, 2-12 sa 1st qualification round. Bumawi siya sa round 2 kontra Chiranuwat Chamnanjan, 8-0.
Samantala, nasikwat naman nina Noel Norada, Margarito Angana Jr at Jason Balabal ang bronze medals. Bigo si Norada kay gold medalist Manh Hung Bui ng Vietnam, 0-8 sa 67kg final round 3.
Ginapi naman ni Balabal si Sao Don ng Cambodia, 8-0 sa 97kg final round 3. Tinalo naman ni Angana ang Cambodian na si Bunna Yon, 8-0 sa 60kg final round 5.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT