
Umamin si Trade Secretary Ramon Lopez na tinamaan siya ng COVID-19.
Ayon kay Lopez, 60, na nalantad siya sa taong may COVID-19 noong Martes, Disyembre 1 at kasalukuyang nasa “full isolation.” Siya ang ika-apat na miyembro ng Gabinete ng administrasyong Duterte na nasapul ng virus.
Una nang nagpositibo sina Public Works Secretary Mark Villar, Education Secretary Leonor Briones at Interior Secretary Eduardo Año na nakarekober sa nakamamatay na sakit.
Itinutulak ni Lopez ang dahan-dahang pagbubukas ng ekonomiya ng bansa matapos itong sumadsad dahil sa pandemya.
More Stories
Santo Papa nasa kritikal na kondisyon – Vatican
Kandidatong pro-China, ‘wag iboto – PCG spokesperson
Camille Villar sa Millennials: Panahon na para maging bahagi ng solusyon