January 23, 2025

PHILIPPINE EAGLES’ WEEK, IPINAGDIRIWANG

Magandang buhay mga ka-Agila! Magilas na pagpupugay at paglipad sa mga miyembro ng The Fraternal Order of Eagles(Philippine Eagles).

Sa linggong ito, ipinagdiriwang natin ang Eagles’ week sa buong bansa. Sa bisa ng Proclamation no. 406 na nilagdaan ni dating Pang. Fidel V. Ramos ideneklara ang June 15 hanggang 22, 1994 bilang Philippine Eagle week.

Ang foundation day ng Philippine Eagle ay noong June 22, 1979.

Sa panahong ito, ipinagdiriwang ng The Fraternal Order of Eagles-Philippine Eagles(TFOE-PE), bilang first Philippine-born Fraternal socio-civic organization ang kanilang pagkatatag na ang misyon ay maghandog ng civic and social activities para sa community development and national building.

Taun-taon, nagtitipon ang lahat ng mga Kuya, Ate at mga bunsod para magpunyagi at mas patatagin pa ang brotherhood sa kanilang taus-pusong pagtulong sa kapwa nang walang media mileage.

Bago maitatag ang Philippine Eagle noong 1979, ang Fraternal Order of Eagles (F.O.E.) ay nabuo bilang isang international fraternal organization sa Seattle, Washington, noong February 6, 1898.

Ang samahan ay itinatag at binubuo ng anim na theater owners na sina John Cort (kauna-unahang Pangulo), John W. and Tim J. Considine, Harry Leavitt (na kinalaunan ay lumahok sa Loyal Order of Moose), Mose Goldsmith at Arthur Williams.

Sa panahon ngayon ng krisis dahil sa COVID19 pandemic, malaki ang naging papel at naibahagi ng mga Kuya at Ate natin sa Eagles’ family sa pamamahagi ng mga relief goods at iba pang ayuda sa mga mahihirap na kababayan natin at mga frontliners.

Naging aktibo ang Makati Eagles Club sa pamumuno ni President Kuya Rommel Abital, Former Pres/Atty. Kuya Yami Bongat Balayo, Kuya Jumong Sanchez sampu ng aming mga miyembro para makalikom ng donations upang makapamahagi ng pagkain at iba pang tulong sa mga naapektuhan ng lockdown sa Metro Manila at iba pang panig ng Luzon.

Binabati ko ng Happy Eagles Week sina Kuya Louie Ceniza(my sponsor sa Makati Eagles Club), National President Kuya Dodoy Cedeno, Kuya General Roy Taguinod, Regional Governor, National Capital Region III.

Kabilang sa mga prominenteng Ka-AGILA ay sina Kuya Pangulong Rodrigo Duterte; Ate Vie-Pres. Leni Robredo; Senadora Imee Marcos; Kuya Senador Bong Go(Happy Bday); Senador Bato dela Rosa; Kuya Senate Majority Leader Migz Zubiri; Kuya Sen. Aquilino Pimentel III;  Ate Royina Garma, PCSO General Manager, TESDA Director General Isidro Lapena, Cabinet Secretary Kuya Karlo Nograles, Pres’l Spokesperson Harry Roque, Defense Sec. Delfin Lorenzana, DOLE Sec. Silvestre “Bebot” Bello III; DILG Sec. Eduardo Ano; AFP Chief of Staff Felimon Santos at Chief PNP Archie Gamboa.

Kasapi rin ng Philippine Eagles ang higit 100 Congressmen, mga PNP at AFP officers and personnel, Cabinet Secretaries and Undersecretaries at mga opisyal sa ibang ahensya ng pamahalaan, gaya ng DOJ, NBI, PDEA at PACC.

Happy Eagles Week! Service Through Strong Brotherhood! Mabuhay ang Agila!

“ESTUDYANTE BLUES SA AGOSTO”

Sa nalalapit na pasukan sa Agosto 24, sigurado na ang  ‘exodus’ ng mga estudyante mula sa private school tungo sa public schools dahil sa kawalan ng pera ng mga magulang dulot ng Corona virus disease pandemic.

Sa hirap ng buhay ngayon, iisipin ng mga magulang kung saan sila huhugot na bulsa para makapagbayad ng matrikula at siyempre ang iba pang gastusin ng mga anak, gaya ng pambili ng gadgets(laptop, smart phones or tablet) para makasabay sa online learning method.

Tinayang higit sa 10-milyong estudyante na ang nagpa-enrol nitong nakalipas na Linggo ayon sa Dept of Education.

Samakatuwid, mas dumami na ang lumipat sa pampublikong paaralan dahil mas mura at makatitipid ang mga magulang sa public schools.

Ang problema natin ngayon ay ang paglobo naman ng bilang ng mga estuyante sa mga paaralan kung magkakaroon ng face-to-face learning system na ipatutupad ang Deped.

Bagama’t plano ng Deped ang online o blended learning system, nakaisip naman ng solusyon ang ilang Senador na mag-bigay ng ayuda o students loan ang Social Security System(SSS) at GSIS  para makapag-enrol sa private schools at maiwasan ang mass transfer sa public schools.

Sinabi ni Marcos, marami ring OFWs sa Ilocos Norte ang humihingi sa kanya ng tulong upang maka-avail  sila ng educational loans sa SSS o iba pang ahensya ng gubyerno para sa pag-aaral ng kanilang mga anak.

Dahil sa maraming requirements sa pangungutang sa bangko, sinabi ni Marcos na makabubuting tumulong ang SSS sa OFWs at ang GSIS sa mga government employees na lubhang apektado ng COVID19 pandemic.

Tumugon naman ang SSS na pag-aaralan nila ang mungkahi ni Senadora Marcos para makaagapay sa pag-aaral ng mga anak ng OFWs.

Habang ang GSIS ay planong maglatag at buhayon ang education loan program sa panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos na “Study Now, Pay Later plan”

Sinabi ni GSIS President/General Manager Rolando Ledesma Macasaet na bibigyan ang mga miyembro nila nang mas magaan na interest rate at maluwag na requirements.

“Maaaring bayaran muna ng GSIS member ang interest ng utang, pagkatapos ang  principal loan ay babayaran after 5 years kung saan may matatag ng trabaho ang kanilang mga anak at pwede na ring tumulong sa bayarin sa utang,” paliwanag ni Macasaet sa hearing ng Senate committee on Economic Affairs noong Mayo.

Para sa inyong mga komento at suhestyon, mag-email lang sa [email protected]