Tinagay na ng Barangay Ginebra Gin Kings ang 45th PBA Philippine Cup bubble. Nilasing ng Ginebra ang TNT Tropang Giga, 82-78 sa Game 5 ng best-of-seven finals, 4-1.
Kahit na nagtangka ang Tropang Giga na pahabain pa ang serye, hinarang ito ng tropa ni coach Tim Cone.
Memorable rin sa Gin Kings ang kampeonato dahil ito ang kanilang kauna-unahang All-Filipino Cup title sa nakalipas na 13 taon.
Huling nagchampion sa All-Filipino Cup ang Ginebra noong 2007.
“I think everyone’s gonna have a rivalry against TNT, they’re primed to step into another level,” ani Cone.
“They’re fairly young and Jayson, I think, has a really couple of years left as long as he can stay healthy. But aside from that, their core’s really young — Troy (Rosario), (RR) Pogoy, (Poy) Erram, (Simon) Enciso and Bobby Ray who’s still in his second year.”
Samantala, hinirang naman na Honda-PBA Press Corps Finals Most Valuable Player si LA Tenorio.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2