November 19, 2024

Philippine Army nangibabaw sa Mt. Banahaw de Lucban duathlon

NASUNGKIT ng Philippine Army ang pitong medalya, kabilang ang tatlong ginto sa ginanap na 8th Mt. Banahaw De Lucban Duathlon sa bayan ng Lucban, Quezon noong Linggo.

Nanguna si Private First Class Robinson Esteves sa overall men’s category habang ang kanyang teammates na sina Staff Sergeant Alvin Benosa at Corporal Cris Joven ang pangalawa at pangatlo na nakatapos.

Nakapaghatid din si Private Geneisis Maraña ng gintong medalya sa overall women’s category.

Ang ikatlong gintong medalya ng Army ay nagmula kay Staff Sergeant Reynaldo Navarro, na nanguna sa men’s 45 hanggang 54 years old category.

Samantala, nasungkit naman ni Private Rick Joebert Balmes ang silver medal at ibinulsa ni Private Christian Dimaculangan ang bronze medal sa men’s 25 hanggang 34 years old category.

Pinuri ni Army chief, Lt. Gen. Romeo Brawner Jr., ang napakagaling na performance ng mga sundalong atleta sa iba’t ibang sporting events.

Sinabi niya sa kanila na mag-focus sa paghasa ng kanilang mga kakayahan at talento para mapanatili ang kanilang winning momentum ngayong taon.