May 18, 2024

PHILIPPINE AIRLINES, TOP 2 SA MOST PUNCTUAL CARRIERS SA ASIA-PACIFIC

PASOK ang Philippine Airlines (PAL) sa Top 10 ng Most Punctual Carriers sa buong Asia-Pacific Region para sa taong 2023.

Batay sa inilathala na Cirum On-Time Performance report ng isang London-based aviation analytics company na Cyrium, noong Disyembre 2023 ay pumapangalawa ang PAL sa Asia-Pacific matapos makakuha ng 83.08 porsiyento sa on time arrival flights.

Sa kabuuan sa Asia Pacific ay rank 8 naman ang PAL, at ito lang ang tanging airline ng Pilipinas na nakapasok sa naturang listahan.

Kabilang iba pang airlines na pasok sa Top 10 Most Punctual Carriers sa Asia Pacific ay ang Hong Kong, Singapore, Vietnam, Indonesia, Japan, Thailand, India, at New Zealand.