Kinumpirma ng Philippine Airlines (PAL) na itinuloy na nila ang paghahain ng tinatawag na Chapter 11 o bankruptcy protection filing sa Estados Unidos sa gitna na rin ng matinding pagkalugi bunsod ng epekto sa pandemya.
Kabilang sa kasunduan ay ang pagbabawas sa kanilang fleet size o mga eroplano mula sa 95 ng hanggang 25 percent.
Dahil dito nakatipon ito ng bagong pondo na umaabot sa $655 million o katumbas ng P32.6 billion mula sa may-ari na si Lucio Tan at mga nagpautang.
Ayon sa PAL ang naturang hakbang ay tiyak umanong magbibigay nang pagkakataon na maisaayos ang istruktura at pinansiyal nitong pinaghahawakan upang malapampasan ang krisis ngayon.
Kabilang kasi sa kasunduan ay ang pagbabawas ng hanggang $2 billion sa payment reductions mula sa majority ng kanilang lessors at iba pang pinagkakautangan.
Meron ding $505 million ang ibubuhos na pondo na magmumula sa majority stockholder at $150 million additional debt financing mula sa mga “global private investors” para sa tinatawag na post-restructuring activities.
Sinasabing ang apela sa Chapter 11 deal ay kailangan para sa pag-apruba ng Southern District of New York.
Kasunod nito ay maghahain din daw ang PAL ng kahalintulad na recogniton sa Pilipinas sa ilalim ng Financial Insolvency and Rehabilitation Act of 2010.
Una nang napaulat na ang PAL Holdings Inc. ay nalugi na ng P71.8 billion o nasa ikaapat na taon na patuloy ang pagsadsad ng kinikita.
Inamin din ng PAL na ang pagkalugi nila sa first semester pa lamang ng 2021 ay umabot sa 21 percent o nasa P16.55 billion kaya naman kabilang sa apektado ang pagtanggal sa halos tatlong bahagdan ng kanilang work force.
“To remain the flag carrier of the Philippines and the premier global airline of the country, one that is better equipped to execute strategic initiatives and sustain the Philippines’ vital global air links to the world,” ani Tan sa statment.
“We are grateful to our lenders, aviation partners and other creditors for supporting the plan, which empowers PAL to overcome the unprecedented impact of the global pandemic that has significantly disrupted businesses in all sectors, especially aviation, and emerge stronger for the long-term.”
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA