
Nakaresbak ang Philadelphia 76ers sa Atlanta Hawks sa Game 2 ng Eastern Conference playoffs semifinals. Inutas ng 76ers ang Hawks sa iskor na 118-102.
Kung kaya, naitabla ng Sixers ang series sa 1-1 sa kanilang best-of-7 showdown.
Bumida si Joel Embiid para sa Philadelphia sa pagtala ng double-double performance. Nagtala si Embiid ng 40 points, 10 boards at 2 assists.
Umalalay naman si Tobias Harris sa pagtala ng 22 points, 6 boards at 4 assists. Nag-ambag naman si Seth Curry ng 21 points at 2 assists.
Sa panig naman ng Hawks, nagtala si Trae Young ng 21 points, 3 boads at 11 assists.
Isasagawa naman ang Game 3 sa Sabado (Manila time) sa balwarte ng Hawks sa Phillips Arena.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT