Kahit na kulang sa tao ang Miami Heat, sa katauhan nina Bam Adebayo at Goran Dragic, binitbit ni Jimmy Butler ang team sa NBA finals Game 3.
Bumida ito sa paglista ng 40 points at inakay ang team sa panalo sa Game 3. Kaya naman, pinuri mismo ni LeBron James ang performance nito. Ang Game 3 ay para sa Heat. Ang pagpapakilala ng husto ni Butler.
Bilib din si coach Erik Spoelstra sa ginawa ni Butler. Malaon na ring kumakayod si Butler sa NBA, sapol nang ma-draft siya ng Bulls noong 2011.
Mula rito, nakapaglaro rin siya sa Minnesota, Philadelphia. Gayunman, parang sidekick lang ang peg niya roon.
Sa Miami siya sinuwerte. Masaya siya rito. Nakarating pa siya sa finals. Ibang klase ang fighting spirit nito.Walang imposible sa gusto talagang manalo. Masasabi ba nating ito na ang panahon o era ni Jimmy Butler?
Marahil, hinog na siya sa nakalipas na 9 na taon. Kung hindi man palarin sa championship ngayong taon, ito ay isang malaking achievement niya.
Ang alam lang natin ngayon, may Game 5 pang mangyayari. ‘O Game 6 kaya? Abangan natin.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!