
Haharap ang PH women’s volleyball team two teams na kasali sa Volleyball Nations League (VNL). Unang lalaro ang Pinay squad sa Thailand ngayong araw sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City. Ito’y bilang bahagi ng Philippine National Volleyball Federation International Challenge.
Ang friendly match na ito ay idaraos sa ganap na alas 6:00 ng gabi. Lalaro ang Thais na hindi kasama si middle blocker Thatdao Nuekjang. Nagka-injury ito sa Week 1 match laban sa Belgium sa Ankara, Turkey.
Hawak ng Thailand sa ngayon ang 3-1 record na may 8 points sa VNL standing. Susunod naman na makakalaro ng Pinas ang Japan bukas ng alas 4:00 ng hapon.
More Stories
RR Pogoy, susi sa panalo ng TNT
MPBL June Showdowns: Rivalries, Records, at Playoff Pressure patindi nang patindi
Christian Araneta sasabak sa world title fight kontra Thai powerhouse