LUMAGDA ang Pilipinas at Estados Unidos sa isang kasunduan nitong Lunes, Nobyembre 18, na nagbibigay ng legal na balangkas upang mapadali at mapabilis ang real-time information sharing at “technology cooperation.”
Ang kasunduan, na tinawag na General Security of Military Information Agreement (GSOMIA) ay nilagdaan sa Camp Aguinaldo sa pagbisita ni US Defense Secretary Lloyd Austin sa Pilipinas. Ang paglagda ay kasunod ng bilateral meeting sa pagitan ni Austin at Philippine Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr.
Walang expiration GSOMIA subalit maari itong amyendahan o suspendehin. Nangangahulugan na ang kasunduan ay bibigyang proteksyon ang Classified Military Information (CMI) ayon sa mga alintuntunin ng bansang nagbigay ng impormasyon.
Gayunpaman, hindi ito nangangahulugan na anumang bansa ay obligado sa pagbabahagi ng impormasyon, ngunit pinabilis naman ang proseso kung kakailanganin ito.
Sa kasong ito, ang paglagda sa GSOMIA ay matagal nang inaasahan, lalo na’t noong 2021, pinuri ni dating Indo-Pacific Command Chief Admiral Philip Davidson, ang pagko-commit ng Armed Forces of the Philippines na mag-invest sa US defense equipment bilang bahagi ng modernisasyon, gayundin ang pagtatapos sa negosasyon sa GSOMIA.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA