Impresibo ang naging kampanya ng PH Taekwondo Team sa ASEAN Taekwondo Championships. Katunayan, sumipa ang team ng 4 silver at 11 bronze medals sa torneong idinaos sa 15th Ho Chi Minh City, Vietnam.
Kumislap si Joseph Chua sa Senior Male- 63kg Kyorugi. Nanguna siya sa pagsubi ng 4 silver. Kabilang pa sa sumipa ng silver medal ay si Clarence- Sarza sa Senior Female-46kgs.
Gayundin sina Abigail Faye Valdez sa Senior Female -49kgs at King Nash Alcairo sa Senior Recognized Male Individual sa Poomsae.
Kumamada naman ng tanso sa Kyorugi sina Rommel Pablo, Jr. (Senior Male -54kgs), Dex Ian Chavez (Senior Male -58kgs), Alfritz Arevalo (Senior Male -68kgs), Justin Mark Agno (Senior Male -74kgs), Rhezie Aragon (Senior Female -53kgs), Loralee Natividad (Senior Female -57kgs) at Realis Tabiando (Senior Female -62kgs).
Nagdagdag pa sa bronze harvest Poomsae sina Mikee Rose Regala (Senior Recognized Female Individual), Marvin Mori (Senior Freestyle Male Individual), Ceanne Kyle Ronquillo at Mikee Rose Regala (Senior Recognized Mixed Pair) at King Nash Alcairo, Kier Macalino at Ceanne Kyle Ronquillo (Senior Recognized Men’s Team).
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!