KUMPIYANSA si Philippine Table Tennis Federation (PTTF) president Ting Ledesma sa kahandaan ng Pinoy table netters sa pagsabak sa dalawang major international tournaments bunsod na rin ng impresibong kampanya ng Philippine Team sa nakalipas na torneo sa abroad.
Sasalang ang National Team, binubuo ng mga players na isinabak sa 31st Southeast Asian Games sa Cambodia nitong Mayo, sa prestihiyosong Asian Championship sa Setyembre 3-10 sa South Korea, habang nakatuon din paghahanda ng PTTF sa hosting ng World Junior Championship sa Oktubre sa Puerto Princesa, Palawan.
“We’re happy to say that table tennis is getting better and with the recent success of our national team for the past few months sa abroad, Malaki ang impact nito lalo na sa mga kabataan na patuloy na lumalaban para mapalakas ang table tennis,” pahayag ni Ledesma patungkol sa program ng PTTF sa kabilang ng kakulangan ng pondo at limitadong tulong pinansiyal mula sa pamahalaan.
“Nauunawaan naman namin ang Philippine Sports Commission (PSC) dahil hindi lang naman kami ang sports na sinusuportahanan nila. But we’re proud to say that through the years hindi kami dependent talaga sa PSC, reimbursement kami, abunuhan muna namin kung maibalik yung ginastos namin, salamat kung hindi talo-talo na yan,” aniya sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ nitong Huwebes sa Conference Room ng PSC sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Manila.
Binanggit din ni Ledesma sa program na itinataguyod ng PSC, Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat na galing sa mga kaibigan, pribadong sector at sariling pera ang gagamitin ng Philippine Team sa pagsabak sa Asian Championship.
“Wala naman kaming problema sa PSC, pero para mas maging mabilis ang proseso sa participation namin, naghahanap na lang ako ng makakatulong. After that, re-reinbursed ko na lang yung gastos kompleto naman sa resibo, kung palarin maibalik laking pasasalamat kung hindi, oky na rin,” aniya.
Pangungunahan ni Kheith Rhynne Cruz, ang No.1 women player sa bansa, ang PH team sa Korea target na makasikwat ng medalya na magbibigay sa koponan nang panibagong sigla bago ang World Junior event sa Palawan.
Galing ang 16-anyos na si Cruz sa matagumpay na kampanya sa SEA Youth tabke tennis championsp sa Brunei kung saan nagwagi siya ng dalawang ginto (singles at doubles event) at pangunahan ang girls team sa silver medal finish sa team event.
Sa tulong ni Puerto Princes, Palawan Mayor Lucilo Bayron, ibinida ni Ledesma ang kahandaan para World Junior championship na inaasahang lalahukan ng mahigit 30 koponan. “Last year, yung nakababatang kapatid ni Keith na si Mhelvin ay nakasilver dito. Yung podium finish niya ang nagging daan para mabigyan siya ng scholarship training sa France. Itong magkapatid ang mangunguna sa team natin. Buong puso ang pasasalamat natin sa tulong ni Mayor Bayron para maisagawa natin ang hosting na ito,” ayon kay Ledesma.
More Stories
ZERO BUDGET DESERVE NI VP SARA – ESPIRITU
IMEE, VILLAR UMABOT NA SA P1-B ANG GASTOS SA POLITICAL ADS
KUWAITI NATIONAL UMAMIN SA PAGPATAY SA OFW