November 3, 2024

PH pug Eumir Marcial, uupak sa kanyang pro-debut sa Oktubre

Tutulak si Olympic boxer Eumir Felix Marcial sa U.S. sa susunod na buwan upang umupak sa kanyang pro debut. Ayon kay American promoter Sean Gibbons, nais niyang nakarating na ang Pinoy boxer sa Agosto.

Sa pagtungo ni Marcial sa U.S. sasailalim ito sa training sa Wild Card Boxing Gym ni Freddie Roach. Sa gayun ay mapaghandaan ang laban niya sa ‘monster card’ sa Oktubre.

Kamakailan, lumagda si Marcial ng kontrata sa MP Promotions ni Sen. Manny Pacquiao. Si Gibbons naman ang presidente ng promotion. Aniya, sasalang si Marcial sa event na itatampok ng Premier Boxing Champions.

Bukod kay Marcial, nasa ilalim din ng MP Promotions ang tatlo pang world champions. Ito ay kinabibilangan nina John Riel Casimero, Jerwin Ancajas at Pedro Taduran. Gayundin si Mark Magsayo.

Plano ni Gibbons na isalang sa tatlo hanggang apat na laban ang Zamboanga native pug, bago ang pagsabak nito sa Olympics sa 2021.

Lalaban si Marcial sa middleweight (160 lbs) at tatangkaing maging ikalawang Pinoy na makahahablot ng world title. Si Ceferino Garcia ang unang Pinoy boxer na nagwagi ng title sa nasabing division noong 1939 nang lumaban ito sa Madison Square Garden sa New York.