May 5, 2024

Kahit nabulgar ang katiwalian sa PhilHealth; Duterte tiwala pa rin kay Morales – Go

NANATILI pa rin ang tiwala ng Pangulong Rodrigo Duterte kay PhilHealth President at CEO Ricardo Morales.

Inihayag ito ni Senador Bong Go, dating special assistant to the president sa harap ng mga panawagan na magbitiw sa tungkulin si Morales dahil sa nabunyag na katiwalian sa PhilHealth.

“As of now, nabanggit niya (Duterte) sa akin na malaki pa ang tiwala niya kay Gen. Dick Morales. Sa kanyang integridad,” ayon kay Go.

“Sa ngayon po, as of last night, ‘yun po ang nabanggit ni Pangulo na meron siyang tiwala kay Gen. Morales. Pero pag meron pong napatunayan na merong katiwalian, kung may kinalaman siya,  I’m sure sisibakin siya. Dapat mapatunayan na meron talaga,” dagdag na pahayag nito.

Gayunman, tiniyak ni Go na nakahanda ang Pangulo na sibakin si Morales sakaling may mga mailatag na ebidensya na magpapatunay na sangkot ito sa katiwalian sa PhilHealth.