Muling nakasungkit ng bronze medal si Filipino pole vaulter EJ Obiena. Nagningning si Obiena sa Rome Diamond League sa Italy, kahit tanso lang ang nakuha nito.
Naglista si Obiena ng 5.80 meter distance upang iatarak ang third finish. Nasa unahan naman niya si Ben Broeders ng Belgium. Kinuha naman ni world record holder Armand Duplantis ang Sweden ang gold medal.
Nairehistro ni Broeders ang 5.80m sa second attempt nito para sa silver medal. Samantalang, 6.15m naman ang naitala ni Duplantis.
Nagtapos naman sa fourth place si former world champion Raphael Holzdeppe ng Germany. Nagtala ito ng 5.70m
Nais sanang lampasan ni Obiena ang PH mark na 5.85m. Sinubukan niya makuha ang 5.85m, ngunit nabigo siya. Muling iigpas ang 20-anyos na si Obeina sa Doha Diamond League sa Setyembre 24.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2