Magandang pasalubong para sa Pilipinas ang nasikwat na bronze medal ni Pinoy pole vault star EJ Obiena. Ang medal ay napagwagian ni Obiena sa Wanda Diamond League sa Monaco.
Nilampasan ni Obiena ang naitalang 5.70 meters sa ikaapat na attempt. Kaya naman, rumehistro siya sa third place, kabuntot ni Ben Broeders ng Belgium.
Bagama’t pareho sila ng nailata ni Broeders, ibinigay dito ang silver medal dahil nagawa niya ito sa first attempt.
Hindi naging madali kay Obiena ang paghablot ng bronze. Ito ay dahil sa mga matitikas na katunggali sa torneo. Kagaya nina world record holder at No. 1 ranked Duplantis. Gayundin si Olympic champion Thiago Braz da Silva ng Brazil.
Nasikwat naman ng pambato ng Sweden na si Armand Duplantis ang gold medal. Ang Wanda Diamond Meet ay inorganisa ng World Athletics, ang world governing body ng track and field.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!