November 5, 2024

PH PINABABASURA ICC PROBE  SA TOKHANG NI DIGONG

HINILING ng Office of the Solicitor General sa International Criminal Court na ibasura ang kahilingan ng prosecutor na ituloy na ang imbestigasyon kaugnay ng giyera kontra droga ni dating pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Solicitor General Menardo Guevarra na walang hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas.

“The alleged murder incidents that happened during the relevant period do not constitute crimes against humanity,” sabi ni Guevarra.

Idinagdag ni Guevarra na hindi saklaw ng article 17 ng Rome Statute ang sitwasyon sa bansa. Kinasuhan si Duterte sa ICC kaugnay ng mga umano’y pagpatay sa mga nasasangkot sa ilegal na droga sa bansa.