Hindi lamang medalya bagkus ang ika-anim na Grandmaster title para sa Pinoy ang target ng Philippine Memory Sports Team sa kanilang pagsabak sa Asia Open Memory Sports Championship sa Setyembre 27-28 sa Singapore Polytechnic.
Haharapin ng mga Pinoy ‘Trained-Memory’ ang mga karibal mula sa mahigit 30 bansa tampok ang powerhouse China at Mongolia, gayundin ang Japan, Malaysia, Indonesia, Myanmar at host Singapore sa torneo na itinataguyod ng Asia Memory Sports Alliance (AMSA) at Global Alliance of Memory Athletics (GAMA).
“We are confident that the Philippine Team will be bringing medals from the competition, but our main target is the GM title for our 14-year-old athlete Charles Andrei (Galamgam) in the junior division. Kung sakali, siya ang ika-anim na GM natin. He’s ready and we felt his eagerness to claim the GM title for the country,” pahayag ni coach Anne Bernadette ‘AB’ Bonita, tumatayo ring pangulo ng Philippine Mind Sports Association (PMSA) sa Tabloids Organization in Philippine Sportrs, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ nitong Huwebes sa Rizal Coliseum VIP Room.
Target ni Charles Andrei na masundan ang landas ng nakatatandang kapatid na si Chloe Andrea na nakamit ang GM title nitong nakalipas na taon nang maging host the bansa sa naturang torneo.
Taliwas sa Chess na kinakailangang makasikwat ng GM norms para sa GM title, ang mga kalahok sa memory sports ay dadaan sa 10 kompetisyon o pagsuslit na binuo ng Random Words, Names and Faces, Speed Numbers, Marathon Numbers, Random Images, Speed Cards, Marathon Cards, Dates, Binary Digits at Spoken Numbers.
Bukod kina Charles Andrei at Chloe Andrea, kasama rin sa koponan ang nakababata nilang kapatid na si Chelsea Anne, 11, na sasabak sa torneo sa unang pagkakataon. Ang Grade 6 student sa Victory Christian International School ay nagpakitang gilas sa programa nang kahanga-hanga niyang mamemorya at mailahad nang tama ayon sa pagkakasunod ang 30 salita na binigkas habang nakapiring ang mga mata.
“Sa simula po talagang challenging pero nagawa ko po dahil sa ensayo at sa tulong na rin po ng mga nakatatanda kong kapatid. Actually, sila po ang idol ko kaya pumasok na rin ako sa memory sports para matularan yung achievement nila,” sambit ni Galamgam.
“Focus lang po sa training, kaya naman pong pagsabayan ang ensayo at schooling,” aniya.
Kasama rin sa koponan sina Venir P. Manzalay III (11 year-old), Jessica Raine A. Rellora (12 year-old), at Angel Mikhail T. Sanchez (17 year-old).
“Each of these young athletes has demonstrated extraordinary memory capabilities in the recent national memory championship and will be competing to prove themselves on the prestigious international stage,” pahayag ni Bonita sa lingguhang sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission at Pocari Sweat.
Ayon kay Bonita, unit-unti na ring lumalawak ang komunidad ng Memory Sports at patunay ang malaking bilangng mga sumabak sa isinagawang elimination meet na nilahukan ng mga kalahok mula sa 40 koponan mual sa metro Manila, Bulacan, Cebu, at karatig na lalawigan.
Pinasalamatan din ni Bonita ang mga sumuporta sa koponan sa paglahok sa Asian Championship tulad ng Brain Republic na nagbigay ng libreng training at ang Dr. Yanga’s Colleges Inc. (DYCI).
The Philippine Memory Team is well-prepared and eager to showcase their skills, aiming to bring home accolades and further solidify their standing in the global memory sports arena. With rigorous training the team is set to represent the country with honor and determination,” pahayag ni Bonita. (DANNY SIMON)
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA