Ang PH media o mga mamamahayag ay malaki ang impluwensiya sa kaisipan ng tao. Lalo nga’t sila ang nagbibigay ng impormasyon at balita sa sambayanang Pilipino. Subalit, ano na ba ang tingin ni Juan De la Cruz sa ibang mamamahayag?
Hindi ba’t bumaba sa ngayon ang tingin ng mayorya ng taumbayan? Ang matindi, sila pa yung tinatawag na mainstream media. Hindi biro ang mga ito dahil marami silang followers sa social media. Marami rin ang nanonood sa kanila sa telebisyon. O dili kaya’y nakikinig sa himpilan ng kanilang radyo.
Sa pangmalas at asssessment ngayon ng madla, tila nawawalan ng integridad ang iba. Bakit? Dahil taliwas ang kanilang binabalita at komentaryo. Na ito’y lihis na katotohanan at sa tunay na diwa ng mabuting mamamahayag.
Ika nga ng iba, tila nabubudburan na ng kasinungalingan ang namumutawi sa kanilang mga bibig. Ang dapat sana’y makabuluhan at tapat na ulat ay may bahid ng pait at bias.
Kung ikokonekta mo Biblia sa kanila, sila ang sinasabing ‘masasamang tiktik’. Sapagkat nag-uulat sila upang dikdikin ang isang tao. Maging ang isang grupo, relihiyon, ahensiya at iba pa ay kanilang sinisiraan. Ito’y sa kabila na wala namang sapat na batayan at haka-haka lamang.
Ngunit, ang mas malala, lantaran na ang pag-uulat ng kasinungalingan. Kaya, nababawasan sila ng followers. Hindi na rin gaanong pinanonood ang kanilang ulat sa telebisyon. Hindi ba’t masama ang magsinungaling? Kanino bang anak ang isang sinungaling? Saan ba may bahagi ang mga sinungaling, hindi ba’t sa diyablo?
Sapagkat hangad nito ang maghatid ng galit, poot at paninira sa kanyang kapwa? Gayunman, hindi lahat ay ganito. Meron pa namang nag-uulat ng totoo at tapat sa sambayanan. At sa malalaking media, hindi habang panahon ay mamamayagpag kayo.
Bagamat kayo’y pumapainlanlang at naglalagay ng pugad sa mataas na dako, kayo’y ibabagsak dahil sa inyong kapalaluan!
More Stories
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna
Hen. Antonio Luna, Dangal ng Lahing Pilipino
Ang Pagbabalik ni Hen. Douglas MacArthur