Nasungkit ni Pinoy karateka James De Los Santos ang kanyang ika-13 gold medal sa Okinawa E-Tournament World Series 1.
Tinalo ni De Los Santos si Matias Moreno ng Switzerland sa final round, 25.25, 24.6. Bago nito, tinalo muna ni James ang mga nakaharap sa E-kata individual male seniors competition.
Dinaig nito ang pambato ng USA sa Round of 16. Gayundin ang pambato ng South Africa sa quarterfinal.
Nagwagi naman siya sa pambato ng Slovenia na si Nejc Sternisa, 25.2, 23.7 sa semifinal. Bukod kay James, nagwagi rin ang dalawa sa MKKPI students niya.
Kabilang na rito si Julia Ian Marcos na nagwagi ng gold medal sa female eKata 21. Silver medal naman ang nakuha nito sa Female eKata Seniors.
Si Fatima A-Isha Lim Hamsain naman ay nakakamig ng silver sa Female eKata U15. Kinapos si Fatima kay Marion Wester (gold) ng Norway, 23.28, 24.26.
More Stories
PBA Season 49: Ginebra vs Meralco, TNT vs NorthPort—Laban para sa Quarterfinals
Tiauson sa Bulan, Sorsogon kampeon sa Open Rapid chess tournament
Elasto Painters at FiberXers, determinado sa panalo