Umusad palapit sa no.1 sa world ranking si Pinoy karateka James de Los Santos. Nakasungkit kasi siya ng two gold medals sa dalawang magkaibang torneo.
Bumida si De los Santos sa Hatamoto Kai Mitad Del Mundo E-Tournament. Gayundin sa prestigious 4rth SPortData eTournament World Series. Natalo nito si world No.1 Eduardo Garcia ng Portugal.
Pinoste ng World Karate Federation ang resulta ng laban. Kung saan, nagtala si James ng 24.8-24.5 kontra Garcia.
“I’m really happy with winning my 9th gold… and I’m happier with my 10th gold because I won it in the SportData eTournament World Series, the one that mattered the most,” ani De los Santos.
“The amount of points given is x4 of the regular virtual tournaments. What made it even sweeter was facing my rival from Portugal, the current world no. 1, in the final showdown.”
Bunsod ng resulta, nakapagtala si world No. 2 De los Santos ng 5,655 points. Habang si Garcia ay may 7,075 points.Kinakailangan niya ng 1600-400 regular points upang malampasan si Garcia.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!