November 3, 2024

PH FIDE MASTER SEVERINO, WAGI SA 1ST IPCA ONLINE WORLD TILT

Isa na namang achievement ang nakopo ni multi-awarded woodpusher Sander Severino pagkatapos maghari sa isang chess tilt.

Katunayan, nakopo ng Pinoy FIDE master ang pagiging first place sa kauna-unahang IPCA ( International Physically Disabled Chess Association) Online World Championship.

Dinomina ng 34-anyos na tubong- Negros Occidental ang torneo sa pamamagitan ng pagpapatalsik sa mga international rivals; kabilang rito ang five-time PWD champion mula sa bansang Ukraine. Dinaig ni Severino ang kalaban sa naitalang 1.5 points, pinakamataas sa kanyang nauna nang sinalihang kompetisyon.

Sa naturang torneo, nagwagi si Severino ng  walong games at isang draw sa kabuuang siyam na laro.

Bukod sa IPCA, nagwagi rin si Severino  kamakailan sa FIDE Online Cup for People with Disabilities, kung saan nagtapos siya sa ikalawang puwesto. Noong 2018, naging multiple gold medalist rin siya sa Asia Para Games.

Si Severino ay na-diagnosed sa iniindang muscular dustrophy, isang progressive disease na pumipinsala sa kanyang muscles sapol noong siya’y 8-taong gulang pa lamang.