January 23, 2025

PH FENCERS, MAGSASANAY SA ULTRA

Bilang paghahanda ng mga atletang Pilipino sa nakatakdang Olympic qualifiers sa susunod na taon, inaasahang magagamit nila sa kanilang training ang Philippine Sports Complex o ULTRA; kung saan  nilalakad na ng Philippine Sports Commission ang detalye para sa disinfection ng venue.

Batay sa pahayag ni Marc Velasco, na namumuno sa Philippine Sports Institute, ang hakbang sa disinfection procedure ay binabalangkas na sa athletes’quarters para sa preparasyon sa kanilang training.

 “The remaining athletes at ULTRA, we asked them to vacate and return to their respective provinces because the quarters need to be disinfected,” saad ni Velasco.

Ang ULTRA na basketball court ay ginawang medical facility para sa mga pasyente ng COVID-19, sa pinagsanib na proyekto ng PSC at Department of Health.

Gayunman, pinapayagan ang mga atleta na magsanay at manatili sa pasilidad. Sa ngayon, nasa ULTRA ang dalawa sa anim na fencers na nakatakdang lumahok sa ASIAN Championship sa South Korea, na siya ring qualifier sa Tokyo Olympics.

Sila ay sina Noelito Jose at Hanniel Abella na sasalang sa  men’s and women’s epee events.

Ayon kay fencing’s national team head coach Amat Canlas, ang mga fencer ay nasa ilalim ng pagsasanay ng  South Korean mentors  na sina Seungjun Kim at Sangsun Park,  gold medalist sa 2006 Asian Games.

Inaasahan ding sasailalim sa training sina Jylyn Nicanor at Chris Jester Concepcion, top bets sa men’s/women’s saber, Nathaniel Perez at Samantha Catantan naman sa  foil event. Ang 18-anyos na si  Catantan ( estudyante ng University of the East) sa ngayon ang reigning Asian under-23 champion.