Nanaig si unbeaten Pinoy boxer Mark Magsayo kontra Mexican rival Rigoberto Hermosillo. Ito ang unang laban ni Magsayo sa ilalim ng MP Promotions sa Microsoft Theater sa Los Angeles .
Tinalo ni Magsayo ang kalaban via 10-round split decision.
Nakapagbigay ng impressive expression sa mga hurado ang power punches ni Magsayo. Dahil sa panalo, nag-improved ang record ng 28-anyos na Bohol native sa 21-0.
Bagama’t kakaunti ang naitalang suntok sa CompuBox, naglista si Magsayo ng 136 punches. Kumpara kay Hermosillo na nagbitaw ng 181 punches.
Binigyan ni judge Rudy Barragan ng 100-90 si Magsayo. Habang 96-94 naman ang ibinigay ni Zachary Young. Pabor naman si judge Lou Moret kay Hermosillo sa iskor na 96-94.
“I’m very happy to get this victory,” ani Magsayo, na nagpasalamat kay trainer Freddie Roach. Ito kasi ang tumulong sa preparasyon ng laban niya sa Mexican.
“Freddie got me in great shape for this fight and I’m happy working with him. I faced a tough fighter tonight, but I know I’m ready to beat anyone in the division,” aniya.
More Stories
All-time best ng PH bets naitala sa day 3 ng ICF World Dragon Boat C’ship… GOLD RUSH NG TEAM PILIPINAS!
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Angas ng Pinas sa Asian Kickboxing… ATLETA NI SEN. ‘TOL’ TOLENTINO HUMAKOT NG GINTO!